Kasalanan Bang Ibigin Ka – Filipino TV Series

Kasalanan Bang Ibigin Ka Synopsis
Mabilis na nagkaibigan sina Erica (Jackie) at Jake (Geoff). Akala ni Erica, ’yon na ang true love niya – pero biglang nawala si Jake nang wala man lang kahit anong pasabi. Lubos na pagkabigo ang naramdaman ng dalaga at sinikap niyang kalimutan na rin agad si Jake; subalit isang trahedya ang magpapalala sa kalagayan niya. Mauulila sila ng kapatid na si Bianca (Jennica) dahil sa isang car accident kung saan si Erica pa ang nagmamaneho. Walang kayamanang maiiwan sa kanila, at nagkaroon pa ng komplikasyon sa mata ni Bianca na maaari nitong ikabulag. Mag-aalok ng tulong si Jaime (Michael), ang may-ari ng kumpanyang pinatatrabahuan ni Erica, at walang magagawa ang dalaga kundi tanggapin ito. Bubuti ang kalagayan ni Bianca… at manliligaw si Jaime kay Erica. Dahil sa kabutihan nito, at dahil na rin sa utang na loob, sinagot niya ito.
Itatakda ang kasal nina Erica at Jaime. Uuwi ang mga anak ni Jaime na sina Leslie (Angelika) at Joaquin. At mayayanig ang mundo ni Erica – dahil si Joaquin na bunsong anak ng kanyang pakakasalan ay si Jake na una at tunay niyang mahal!
Kasalanan Bang Ibigin Ka Teaser
Source: FB
Friday, May 25th, 2012 at 12:31 amand is filed under Filipino TV Shows. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
