Filipina Star Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto gets Married in Batangas

Stunningly beautiful Kristine Hermosa finally exchanged vows with Oyo Boy Sotto last January 12, 2011 at Batangas. Well who would have thought that these odd couple will finally tie the knot after keeping their relationship under wraps for a while. Anyway congrats to the happy couple. I hope this one would last since this one is already Kristine Hermosa’s 2nd marriage. Her first marriage was with Diether Ocampo which she filed annulment on May 2005.
Kahapon, Enero 12, ginanap ang kasal sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas, ayon sa report ng ABS-CBN News. Dumalo sa espesyal at pribadong seremonya ang buong pamilya ni Oyo at lumipad naman mula pa sa Canada ang pamilya ni Kristine.
Espesyal ang petsang ito dahil ipinagdiwang din ni Oyo (Vittorio Mari Sotto) ang kanyang ika-27 na kaarawan. Magkasing-edad sila ni Kristine (Kristine Hermosa Orille), na ipinanganak noong September 9, 1983.
Kasama sa principal sponsors ng dalawa ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio at ang head ng Star Magic na si Johnny Manahan. Nagkakilala ang dalawa sa shooting ng unang Enteng Kabisote noong 2004, kung saan gumanap si Kristine na asawa ng ama ni Oyo na si Vic Sotto.
Nagsimula naman sila mag-date noong 2006, habang ginagawa ang pangatlong Enteng Kabisote. Noon namang Setyembre 9, 2009, ika-26 na kaarawan ni Kristine, nag-propose si Oyo sa aktres. Agad nila itong ipinaalam sa kanilang mga magulang.
Noong Mayo 2010 ay pumunta sa Canada si Oyo para mamanhikan sa mga magulang ni Kristine. Nauna nang ikinasal si Kristine sa aktor na si Diether Ocampo noong Setyembre 2004 sa Nueva Ecija.
Source: Pep
For more Kristine Hermosa and Oyo Boy Photos go to: Kristinefever
Tags: Kristine Hermosa, Oyo Boy
Sunday, January 16th, 2011 at 7:03 amand is filed under Pinoy Celebrity. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
